Ano ang Islam? Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammad.

Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammad.



Ano lslam,  Ang Islam?

Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammad.

Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa Islam 
1) Paniniwala sa Allah:
        Ang mga Muslim ay naniniwala sa Nag-iisa, walng katulad, di-matutularan na Allah, na walang anak o katambal, at walang sinupaman ang may katapatang sambahin maliban sa Kanya lamang. Siya ang tunay na Diyos, at lahat ng diyus-diyosan ay huwad. Siya ang nagmamay-ari ng pinakamaganda at dakilang  mga Pangalan bilang Kanyang lubos na mga katangian. Inilarawan ng Allah ang Kanyang sarili sa Banal na Qur'an:  
                    Sabihin, "Siya ang Allah, ang Nag-iisa, Siya  ang Allah (As-Samad), ang Ganap, ang tanging inaasasahan ng mga nilikha sa kanilang mga pangangailangan.) Hindi siya nagkaanak at hindi siya  ipinanganak, at Siya ay walang katulad" (Qur'an, 112:1-4)

Walang sinuman ang may karapatang panawagan, panalanginan, pagdasalan okaya'y pag-ukulan ng anumang uri ng pagdamba kundi ang Allah lamang.

Ang Allah lamang ang Makapangyrihan, ang Tagapaglikha, ang Hari, at Tagapanustos ng lahat ng Sanlibutan. Siya ang namamahala mg lahat ng bagay. Wala Siyang pangangailsngan sa Kanyang mga nilikha, ang lahat ng mga nilikha ay umaasa lamang sa Kanya sa lahat ng kanilang mga pangangailangan. Siya ang lubos na Nakaririnig ng lahat. Siya ang nakakakita ng lahat , Siya ang lubos na nakakaalam ng lahat. Sa ganap na kalagayan, ang Kanyang kaalaman ay sumasaklaw sa lahat ng bagay, ang lantad na lihim, sa publiko o sa pribado. Alam Niya kung ano ang nanyayari , king ano ang manyayari, at kung paano ito manyayari. Walang anumang mangyayari sa buong mundo maliban sa kanyang kapahintulitan. Anuman ang ibigin Niya ay manyayari, anuman ang hindi ibigin Niya ay hindi mangyayari at kailanman ay di-manyari. Ang Kanyang kalooban ay nakahigit sa kalooban ng lahat ng nilikha. Sits ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay at may kakayahang gawin ang lahat. Siya ang Pinakamahabagin, ang Pinakamawain at Pinakamapagpala. Sa isa sa  mga salawikain ni Propeta Muhammad sinabi sa amin na ang Allah higit na mawain sa Kanyang mga nilikha kaysa sa isang ina sa Kanyang mga anak. Ang Allah ay lubhang malayo sa kawalan ng katarungan at pagiging malupit. Siya ay lubos na matalino sa lahat ng Kanyang mga gawa at pasya. Kapag may isang taong nais sa Allah, maari siyang manawagan nang tuwiran sa Allah na hindi nanganailangang pang tumawag sa iba upang mamagitan sa Kanya.

        Ang Allah ay hindi si Hesus o si Hesus ay hindi isang Diyos , na imaging si Hesus ay nagtanggi nito.   ng Allah sa Banal na Qur'an: 
             "Katotohanan, hindi naniwala yaong nagsasabi: 
              "Ang Allah ay ang Messiah (Hesus), anak ni Maria." Ngunit ang  Messiah ay nagsabi "O Angkan ni Israel,    sambahin ang Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Sinuman ang naglagay ng katambal sa pagsanba sa Allah ay ipagbabawal sa kanya ang Paraiso at ang kanyang magiging tirahan ay ang Apoy (Impiyerno) At sa mga gunagawa ng masama ,wala silang magiging katulong" (Qur'an, 5:72)

Ang Diyos ay hindi Trinidad, Sinabi ng Allah sa Qur'an:
                         "Katotohanan, hindi naniwala yaong nagsasabi: 
               Ang Allah ay ikatlo sa (Trinidad) samantalang walang Diyos maliban sa isang Ilah (Diyos-ang Allah).   Kapag hindi sila tumigil sa kanilang sinasabi tunay na kasakit-sakit na kaparusahan ang darating sa mga hindi naniniwala sa kanila. Hindi sila magsisisi sa Allah at hihingi ng kanyang kapatawaran? Sapagkat ang Allah ay   Mapagpatawad at Pinakamaawain. Ang Mesiah (Hesus), anak ni Maria ay hindi hihigit sa I sang sugo....(Qur'an, 5:73-75)

Tinatanggihan sa Islam na ang Allah ay nagpahinga sa ikapitong araw ng paglikha, na siya ay nakipagbuno sa isa Niyang Anghel, na siya ay mapanibughuin (mainggitin) na nagbabalak ng masama sa dangkatauhan, o diyay Diyos na nagkatawang tao (incarnate) sa dinuman. Tinatanggihan din sa Islam ang paglalagay ng anumang uri ng katangian ng tao sa Diyos. Ang lahat ng mga ito ay maituturing na mga naglapastangan sa Allah. Ang  Allah ay Dakila at lubos na malayo sa anumang pagkukulang. Hindi Siya kailanman nababahala. Hindi siya inaantok o kaya' nanganailangang matulog.

And salitang Arabik na Allah ay nangangahulugan na Diyos (ang Nag-iisa at tunay na Diyos na lumikha ng buong sanlibutan). Ang salitang Allah ay ngalan ng Diyos sa mga nagsasalita ng mga Muslim at  Kristiyanong Arabo. Ang salitang ito ay hindi maaaring gamitin bilang pantukoy sinuman (anupaman) maliban sa Nag-iisang tunay na Diyos. Ang salitang Arabik na Allah at makikita sa Qur'an na humigit sa 2,150 na ulit. Ang  Aramaic, isang wika na malapit sa Arabik at wika ni Hesus, ang Diyos at tumutukoy sa Allah.

2) Paniniwala sa Pagkakaroon ng mga Anghel.

3) Paniniwala sa mga Aklat na Ipinahayag ng Allah 

4) Paniniwala sa mga Propeta at Sugo ng Allah

5) Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom

6) Paniniwala sa Al-Qadar (Tadhana)


Bangla Photo
Bangla Photo

Comments