Ano ang Islam? Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammad.
Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammad. Ano lslam, Ang Islam? Ang relihiyong Islam ay lubos na pagtanggap at pagsunod sa mga katuruan ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang huling Propeta na si Muhammad. Ilan sa mga Pangunahing Paniniwala sa Islam 1) Paniniwala sa Allah: Ang mga Muslim ay naniniwala sa Nag-iisa, walng katulad, di-matutularan na Allah, na walang anak o katambal, at walang sinupaman ang may katapatang sambahin maliban sa Kanya lamang. Siya ang tunay na Diyos, at lahat ng diyus-diyosan ay huwad. Siya ang nagmamay-ari ng pinakamaganda at dakilang mga Pangalan bilang Kanyang lubos na mga katangian. Inilarawan ng Allah ang Kanyang sarili sa Banal na Qur'an: Sabihin, "Siya ang Allah, ang Nag-iisa, Siya ang Allah (As-Samad), an...